Lunes, Abril 4, 2011

Graduation ISPITS, Dianne's Way

To our renowned guest speaker, Chair of the Philippine Charity Sweepstakes Office Hon. Margarita Penson Juico, to our university president Dr. Mariano C. de Jesus, [VICE PRESIDENTS], to the dean of the three respective colleges, Dr. Victor C. Ramos, Ms. Loida O. Crespo and Ms. Raquel Mendoza, to the respected members of the faculty, our loving parents, dear graduates, friends, a heartwarming evening to all of you! THAT’S ALL, THANK YOU VERY MUCH!
PABATI: 

  • Carmelo, Happy birthday!
  • Kay Tine, Julie, Rox, Ronna, Dom, Regine, Aries, at ky Jm Garcia,good evening!
  • Sa Whambie, hello sabi ni Laine!
  • Sa 4A, 4C, 4D, sa CON, COPERS, MD Dudes, BGK Jamships, thank you fam for inspiring me all the time! NSD Ka-Brgy! Kay Gabe Norwood BBB!, kay Twin, Ewan at John Jervic
  • Sa mga taga-San Juan, SACHS at sa Twitter followers ko, HELLO SA INYO!


May nakapagsabi sa akin, ang pakikinig daw ng isang tao ay hindi lalampas ng 7 minutes, paglampas nito, wala na ang atensyon ninyo sa akin.Pero pangungunahan ko na kayo, lampas ng 7 minutes ang moment ko pero sana, pakinggan niyo pa rin ako!

Nagtataka kayo, ganito ba dapat simulan ang words of gratitude ng isang honor student gaya ko? Hindi ito ang nakagawian pero hindi rin naman ito mali. Bukod sa pangarap kong maging DJ at TV host, naniniwala akong sa masasayang pagtitipong gaya nito, hindi natin kailangang maging laging seryoso at tradisyunal, ganun din sa pag-abot sa ating mga pangarap, hindi naman kailangan na lagi tayong  seryoso at sumunod sa nakagawian, kanya-kanya pa rin namang diskarte yan! God lends us our lives not just to solely fulfill our dreams, yes we must reach our goals but we should also enjoy every moment, do what we want to do and live our lives to the fullest!

Noon, naisip ko, nakakatakot mag-college, pagpili pa lang ng kurso, nakakatakot na. Kapag nalaman na ang mga pag-aaralan, mas nakakatakot. Kapag hindi na kaya, magshi-shift na o mas malala, hihinto na. Ngunit tayo, hindi tayo sumuko. Kaya nga naririto tayo ngayon. Apat na taon din ang tiniis at binuno. Mabagal ang paglipas ng apat na taong iyon, maraming pagsubok at paghihirap—kinailangan nating makibagay sa mga bagong kamag-aral, bagong sistema, bagong mga leksyon. Kinailangan din nating maging matatag. Mahirap. Pero ang mahalaga ay kung paano natin nalampasan ang mga pagsubok at kung ano ang ating napala sa apat na taong iyon. Ngayon, matatapos na tayo graduates, ito na ang araw upang anihin natin ang bunga ng ating pangangarap at pagsisikap. Ngunit kasabay nito, kailangan din nating pasalamatan ang mga tao at institusyong tumulong at mas nagpakilala sa atin ng ating mga tunay na sarili.

Sa lahat ng ating mga pinagdaanang pagsubok, hirap at tagumpay, mananatiling nakapatnubay ang aking matalik na kabigan, ang Panginoong Diyos sa atin. Siya na nagbigay sa atin ng buhay, mga katangian at kakayahang nagsilbing puhunan upang tayo’y magtagumpay ngayon. Salamat po Lord sa mga biyaya, lakas ng loob at pagtitiwala, hindi pa po ito ang huli. Kami po ay patuloy na dudulog sa inyo upang humingi ng gabay at magbigay pasasalamat sa panibagong yugto ng aming buhay. Graduates, to God be the glory!

Bulacan State University is a renowned university not just in our province but in our region. Parents enrolled their children here because of its long-time eminence of nurturing, educating and developing the students to bring out the best in them. Thank you BSU for giving your students the opportunity to hone their skills, and to become finely-crafted achievers in the future. Thank you and cheers to BSU for another year of excellence! 

And to our green-painted home in BSU, the College of Arts and Letters thank you for nurturing us for four years. Maraming nagsasabing ang mass communication ay hindi naman isang mahirap na kurso. Kailangan mo lang matutong magsulat, makisalamuha sa tao at lakasan ang iyong loob. Karaniwang impresyon sa mass communication students— maaarte, mayayabang, maiingay at malalakas ang loob. Oo, marahil ganun nga kami pero hindi lang kami ganun. Sa katunayan, anim na mag-aaral mula sa aming kolehiyo ang nagtamo ng karangalan sa taong ito, isang patunay na matatalino, mahuhusay at may ibubuga rin kami, tama maskum? Patunayan natin ngayon sa ating mga sarili at ipakita sa lahat kung ano nga ba ang mass communication at kung sino ba talaga ang mga mag-aaral nito. Kay Dr. Victor C. Ramos, Dr. Bonifacio Cunanan at sa lahat ng bumubuo ng Kolehiyo, maraming salamat po at ituring nating isang malaking hakbang at hamon ang mga karangalang ito tungo sa ikauunlad at lalo pang ikatitingkad ng ating kolehiyo.

At sa aming mga guro na naging mga nanay at tatay sa BSU higit lalo sa CAL, UNO po ang grade namin sa inyo. Maraming salamat po sa pagtuturo sa amin na tumayo sa sarili naming mga paa at alam po naming hindi niyo talaga kami pababayaan. Salamat din po sa inyong mga ngiti at tawa na nagparamdam sa amin na kayo ay tunay na kaibigan at tayo ay pamilya.

Salamat po sa lahat ng aking naging guro higit-lalo kay Mam Cristy at Mam Yolly sa palagiang pagpatnubay,  kay Sir Marlon sa palagiang pag-gabay sa akin mula high school hanggang college, ikaw pa din sir ang greatest mentor ko just like the old times, kay Sir Leuvert sa palagiang pagpapakalma at pagpapasaya sa amin lalo na kung kami ay stressed at haggard sa productions at iba pang school requirements, goodluck po sir sa panibagong yugto ng inyong career at kay Sir RR na strikto at madalas, nakakatakot pero alam po namin na lubos lang talaga ang tiwala niyo sa amin. Salamat sir sa pagkakaibigan at salamat sa pagigigng tatay namin sa loob ng halos apat na taon, swerte po talaga ang mga naging at magiging mag-aaral niyo balang araw.
Salamat po! Asahan po ninyo na babalik kami ilang taon mula ngayon hindi para magpaturong mag-edit o mag-proofread ng thesis kundi para ialay lahat ng karangalan at tagumpay na aming matatamo balang araw. Mabuhay ang ating mga guro!

Many people say that high school life is the most memorable and enjoyable term of one’s life. Yes, but they can say that if they don’t have classmates and friends in college like I have now. Graduates, yakapin na natin ang ating mga kaibigan at kaaway natin dahil alam naman natin kung gaano sila kahalaga sa atin. Nung una, walang pansinan at pakielamanan lalo na pagdating sa assignments, projects at exams. Pero di nagtagal, nabuo din ang pagtutulungan. Graduates, mga kaibigan ko, higit lalo sa BAMC-4A, ang daming tanong ngayon sa isip ko…
  • Crush ko ba kayo? Kasi lagi akong napapangiti kapag naiisip ko ang bawat isa sa inyo.
  • Staff ba kayo ng David Salon? Kasi you always bring out the best in me.
  • Sculptors ba kayo? Kasi kayo ang umukit ng pinakamagandang imahe sa aking puso.

Mahirap kalimutan ang apat na taong pinagsamahan, may tampuhan, suyuan, tuksuhan, barahan, biruan, utangan, sama-samang pakikibaka at higit sa lahat, ang samahan. Salamat Dom at Janelle sa malalim na pagkakaibigan since high school. 


Salamat Yet, Patrick at sa lahat ng Multimedia Division members, salamat sa halos dalawang taong pagsasama natin sa mga productions sa hirap man o ginhawa. Lagi kong itatatak sa aking t-shirt, puso at isip na ‘once an MD is always an MD’ clear??? 


Salamat sa thesismates kong sina Beverly, Ate Melody at Richard, naging best thesis tayo dahil the best kayong tatlo, mahal ko kayo alam niyo yan! 

Salamat Cam, Ak at Harlene sa apat na taong pagmamahal. Sana ituloy pa natin ito sa susunod na apatnapung taon. 

4A, maraming salamat sa conference sa Mcdo, sa walang kasing sayang mga overnights, sa pagsakay sa mga kalokohan ko at sa pagtitiwala.  Peys Pips, Chorvaneans, Dabarkads, Dabarkads Anex, Babies, Cute Boys, Lilees, Leders at Group 9 tandaan ninyo, ang paglimot sa inyo ay isang kasalanan para sa akin. 4A, loud and proud!


At sa huli, sa ating pagkakadapa, samantalang may mga taong hindi tayo papansinin, mananatiling may dalawang tao na hindi tayo titiisin— ang ating mga magulang na ang tanging pangarap ay makapagtapos tayo ng pag-aaral. Hindi iilang kaginhawahan ang pinagkait niyo sa inyong sarili, kinalimutan ninyo ang luho, napagod, nangulila, kahit pagkakasakit at kamatayan ay inyong sinusuong para lang mapag-aral kami. Graduates, palakpakan natin ang ating mga magulang. Maraming salamat po sa lahat-lahat! Ang karangalang aming nakamit ngayon ay alay namin sa inyo! Mga magulang, kasabay ng pag-abot ng diploma namin sa inyo, kami naman po ang mangangarap para sa inyo, kami naman po ang taya, kami naman po ang magbibigay sa inyo ng maginhawa at magandang buhay. Kami naman po! Sa aking nanay at tatay at sa buong pamilya ko, ito na po ang pinakamalaking karangalang ko para sa inyo. Salamat sa pag-intindi sa akin kahit mainit ang ulo ko at maingay kaka-review. Salamat sa pagsundo sa akin tuwing gabi at salamat sa tiwala. Pasensya na po kayo sa lahat ng pagkukulang at kasalanan ko sa inyo pero lagi niyo pong tatandaan na mahal na mahal ko kayo kahit madalas, hindi ko maipakita yun. Ngayon, just sit back and relax, ako na po ang bahala!

At ngayon, matapos ang apat na taon, may mga bagay na naman tayong dapat tanggapin at makasanayan. Simula bukas, hindi na natin magagamit ang dialogue na “studyante po” kapag magbabayad sa jeep, hindi na natin maibibida sa guard ang ating school ID lalo ang ating OJT ID, magsi-civilian na tayo hangga’t gusto natin, hindi na tayo pipila sa enrolment, hindi na tayo tatambay sa corridors, Heroes Part at LRT para mag-ingay, wala na tayong group activity, production, practice o editing para mag-overnight, wala na. Malungkot. Pero, ang mga bagay lang naman na ito ang mawawala. Aalis man tayo sa BSU, patuloy pa rin naman ang ating buhay bilang mga estudyante. Tuloy lang ang pag-aaral, pagsisikap at pangangarap graduates dahil panibagong paaralan na ang ating papasukin— ang mundo ng mga propesyonal. Panibagong mundo, panibagong hamon at panibagong pagkakataon para tayo’y magtagumpay. Sa bagong yugtong ito, nariyan pa rin ang Diyos, ang BSU, ang ating mga guro, mga kaibigan at pamilya para sumuporta. Graduates, mangako tayong hindi natin sila bibiguin dahil hindi natin sila dapat biguin. Kailangan natin silang balikan upang ipaabot ang ating pasasalamat, upang ipakitang nagkaroon ng saysay ang kanilang pagsisikap para sa atin at upang isalo sila sa ating tagumpay.

Yet, Bevs, Ize, Goldah, Cam at sa lahat ng graduates ngayon, ang goal natin sa pagkakataong ito ay hindi na makapasa sa exams o makakuha ng mataas ng grades sa class cards kundi itaguyod ang kalusugan at kalinangan sa sports, magpagaling ng maysakit at magligtas ng buhay, maghatid ng tamang impormasyon sa mga tao at maging mga responsableng mamamayan ng ating bansa.

Graduates tandaan natin, ang panibagong mundong ating gagalawan ay mas komplikado pero hindi na solusyon ang matakot, mag-shift, huminto o sumuko dahil ngayon, wala na tayong aasahan kundi ang ating mga sarili. Bukas, simula na ng bagong yugto at sa pagsisimula nito, ating isaisip at isapuso na hindi mananatili ang BSU sa Bulacan dahil dadalin natin ito sa lahat ng sulok ng ating tagumpay, hindi tayo mananatiling nasa baba dahil magsisikap tayong umangat, hindi pa tayo tapos dahil nagsisimula pa lang tayong gumawa ng sarili nating pangalan sa tunay na mundo. Salamat at magandang gabi sa inyong lahat!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento