Martes, Abril 12, 2011

MD: Mahal kong Dudes! :)

Uso na ang mga mahahabang messages sa Nomad Group… Bye! Thank You! See you soon! Papahuli ba naman ako? Haha.

Almost two years akong naging MD dudette at aaminin ko, nahirapan akong makibagay nung una. “Bakit sila nagtatawanan, ano bang nakakatawa?” Kaya pinili ko na lang na tumahimik, umattend sa meetings kung kailangan at sumunod sa mga utos. Nitong huli na lang saka ko naisip “Ahhh…nakakatawa naman pala kaya sila tumatawa…HAHAHA” Nitong huli na lang saka ko naisip kung gaano ko kamahal ang pamilyang ‘to at kung gaano ang mawawala sa akin kapag hindi ko na sila makakasama. Bakit ngayon lang?


Memorable Experiences:

  • QEFF SHOOTING— dito ko nakilala ang tunay na MD dudes— maloko, magulo, masayang kasama pero hanep, magaling talaga at professional kaya proud akong maging kasama sa prod na ‘to kahit Head of Props lang ako. Hehe. 


  • UNORTHODOX, BATAAN— clear naman sa akin na 3am ang call time, pero may unexpected late pa din (peace yet!). Clear naman sa akin na kami ni Gelique ang scriptwriters pero naguluhan pa din tayo (alamniyoyan!). Clear naman sa akin bagay sila Zet at Chan pero napansin kong mas kinikilig talaga si Zet (Haha). Clear naman sa aking enjoy ang prod na ‘to pero mas nag-enjoy pa din ako! Ang saya nito grabe! CLEAR?


  • SIR R’S TREAT FOR SENIORS AND CORE— ang sosyal nito! The best ka talaga sir R! Salamat! Hindi ko makakalimutan ang fettuccine na mabigat sa tiyan, ang madugong core staff selection, ang DQ experience at ang walang kasing tagal na paghihintay namin ng bus (na nauwi din sa van) nila Cam, Lane at Kat. Haha.








  • LAST G.A. (April 12, 2011)— lahat naman ng meetings, screenings, renewals at general assemblies masaya pero dito talaaga sa G.A. na ito ako naiiyak at natatawa tuwing maaalala ko. Sa Best in Math award ni Sir R, sa Best in Grammar award ni Pachu (do’s and don’t haha jk!), sa Inseparable award namin ni Cam, sa Most Creative (Sir R) at Brainiest (Elo) awards ko (nahiya naman ako), sa makabag-damdaming message ni sir kay EP’s, sa masarap na food, sa sobrang ikling speech ni Phina, sa AVP ko (salamat Erisse at Chan, the best kayo!) at sa tawanan, iyakan at alaala— mamimiss kong lahat yun! T.T

PERSONAL MESSAGES:
  • ANING— hindi kasi kita madalas nakakausap pero salamat sa mga ngiti mo at hi/hello’s mo. May potential ka, ituloy mo lang ang Jolibee dance mo at alam kong magtatagumpay ka! Haha.

  • RED— hindi rin tayo nagkakausap pero hiyang-hiya naman ako sa profile pic mo (two piece) jk! Hehe. Salamat at sana mag-blossom ka pa sa MD.

  • TAM— salamat sa lahat-lahat! Napakasipag mo at positive-thinker pa. Good luck sa 3 taon mo pang pananatili sa CAL. Itaguyod niyo ni Nhok ang Hagonoy! Haha.
  • AIEL— salamat Ms. M sa lahat-lahat! Ang bait mo at masipag talaga. Alam kong matatag ka kaya continue to try different things at alam ko, magiging successful ka! May time ka pa to get hiM. Haha.
  • NHOK— salamat sa lahat ng jokes mong sobrang nakakatawa! Salamat din sa mga compositions mong pamatay sa ganda! Haha. Sana next grad, ikaw naman ang ichi-cheer namin. Kaya mo yan! Mabuhay ang Hagonoy! 
  • ERISSE—salamat sa lahat ng kalokohan natin! Hindi pa tayo tapos alamoyan! Sana maging MD dudette ka pa din ‘til 4th year, wag kang mahihiya at susuko. Anjan naman si Elton hahaha. Mamimiss kita, dito lang ako lagi! 

  • ZEL— ang effortless pero maganda pa din. Salamat sa mga kalokohan natin dati at good luck! Yes head of stills na siya haha. Sana ipakita mo na sa lahat na hindi ka talaga tahimik at kung gaano ka talaga kagaling, hotdog? Haha. Good luck!

  • ELO— Salamat! Mabait ka kasi una pa lang. Good luck sa course mong BS Vanking. Hahaha. Alam kong magiging masipag ka na mula ngayon! Yes! Haha. Good luck! Galing mo talaga, alam kong hindi lang sa technicals, creative ka din! 

  • CHAN— sa wakas, natupad din ang pangarap ko para sa yo na magka-position dahil deserving ka! Salamat sa good looks at fighting spirit mo, hanep haha. Salamat sa AVP, hintayin ko nalang yung copy ko. Good luck best editor at sana marami pa tayong mapagkwentuhang K-series. Hahaha. 

  • EM— ang aking descendant! Congrats! Galingan mo ha, hindi naman mahirap maging Head Researcher, konting kembot lang yan. Kayang-kaya mo yan, sa hairstyle mong yan? (anong konek di ba? haha) Prove ‘em that your comeback is not just for nothing but definitely for something!

  • ELTON— ang napakahusay na bata! Patunayan mong swerte ang MD sa ‘yo. Ikaw na bahala kay Erisse ha? Haha. Nakakatawa ka nung G.A., gumaganun ka na ha? Good luck Elton, nag-shift ka na sa brod di ba? Ayos!

  • KIM— itago mo yung bracelet ko. Lucky charm ko yan, sana sa yo din. Ang saya mong kasama super! Mamimiss kita, walang limutan ha? You know naman how to reach me okay? Okay. Haha.

  • YNNA— ang baby girl ng MD pero tandaan mo, you need to be strong and mature enough to be the next big sister of MD. Good luck Ynna! Fighting! 

  • ZET— nung una taray na taray ako sa yo hehe pero slowly nalaman kong mataray ka naman pala talaga haha. Jk! Sweet at very thoughtful ka talaga Zet! Salamat! Isa kang tunay na leader at four thumbs up ako sa creative at technical abilities mo. MD-caliber ka talaga! Wag ka lang masyadong papahalata kapag kinikilig ka haha.

  • RJ— dati nagtataka ako kung bakit gusto ni Sir R na maging MD ka, ngayon mas magtataka ako kung hindi ka naging MD. Galing mo pare grabe! Haha. Hands down! Patunayan mong tamang pinaglaban ko, namin ang position mo. Good luck, kaya mo yan! YEA!

  • SIR RR— ano pa po bang mahihiling ko for you eh perfect ka na? hahaha. Lovelife na lang siguro. Sir, it’s time na! Baka ma-late ka na niyan? Hehe. Kaya siguro maraming nagsasabing paano na ang MD kung wala ka dahil ikaw ang ugat ng lahat sir. Sabihin na natin nasa core staff naman ang power at will pero ikaw pa din sir ang tie that bonds the org kahit bali-baligtarin man natin ang sitwasyon. (Sorry naman mixed language ito hehe) Thank you and I’ll never forget to keep in touch! 
  • MAM NINA-- Thanks mam for being our mentor. We've really learned a lot from you! Take care always! and see you soon! :)

Dudes, hinding-hindi ko kayo makakalimutan! Sana ako din sa inyo. Mas matutuwa ako kung guguluhin at hihingan niyo pa din ako ng favor from time to time. Organizational concerns man o kahit tungkol sa assignments, projects o thesis, go lang! Haha. Okay? 
 

Sana maalala niyo ko hindi bilang Head Researcher lang na may alam, sana maalala niyo ko bilang kalog, baliw, banatera, at approachable na si Dianne.
parang negative pa lang to, wala pa yung pic mismo haha
Dudes, maraming nagsasabing palala na daw ang MD pero wag kayong panghihinaan ng loob. Kanya-kanya lang naman yan. Sana wag na lang nating hanapin kung anong meron noon dahil iba-iba naman tayo ng forte, trip at pamamalakad. Clear? 

Passion at dedication lang dudes, alam kong kaya niyo yan! (ngayon pang totally equipped na talaga kayo, kami nga digicam days lang haha. Bitter? Jk!) In behalf of Yet, Pachu, Cam, Lane, Gelique, Phina, Kat at Grace— thank you! Good luck! We love you!  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento