A week from now, am about to graduate. WE are about to graduate. Next to that, WE are about to take our own routes, go to our own jobs, meet other people and spend our own lives. I must be happy because that's an opportunity for us to grow up but sadness suddenly surfaced.
Four years seemed to be very fast. Very very fast. I could still remember how the four of us met at Lobby 1. AK was wearing brown, Harlene was in her black tee and Camille in her dark green number with matching black belt. We were part of Saksi ni Amilou, they're noisy but the four of us were then shy and quiet. Harlene borrowed my pen, AK said that she loves Jayjay Helterbrand and Camille requested me to make her a Friendster account. and it all began there. I could still remember those things as well as everything that happened after those. It's been four years friends!
Ideally, I want to have many friends! 8,9,10 to dozen but only three girls happened to be with me while taking mass communication. Broadcasting. We are not actually the same, and we have lots of differences in interests, habits, priorities and dreams but I could say that we clicked with each other.
HARLENE---Oldest.Sexiest.Most Confident.
Si Harlene ay talaga namang malakas ang loob. Siya ang pinaka-malakas ang loob sa aming apat. In a good way, malakas ang loob makipag-usap sa tao at mag-try ng iba-ibang bagay. Malakas din ang swerte ng friend kong ito, napaka-swerte, minsan, nakakainggit na. Haha. Kahit na siya ang pinaka-matanda sa amin, natutuwa ako kasi hindi siya KJ or moody. (weh? Haha) Swak pa din ang ugali niya sa aming tatlo.
Kaya lang madalas 3 out of 4 lang kami dahil wala si Harlene. Madaming nakakapansin nun lalo na ang mga classmates namin. Ako mismo, di ko alam ang dahilan kung bakit lagi siyang wala, lagi namin siyang hindi kasama. Sayang lang kasi ang mga pagkakataon, minsan naiisip ko pa, gaano kaya kami kahalaga kay Harlene? Kasi siya, love na love talaga namin sa kabila ng lahat ng pang-aasar ko sa kanya. Sana, kung magkakaroon pa ng pagkakataon after graduation na magkita pa kami, sana mas maging open pa si Harlene sa akin, sa amin. Kasi dun namin mas mararamdaman na friend mo talaga kami at may tiwala ka sa amin. Feeling ko kasi, ang dami ko pang hindi alam tungkol sa 'yo. Hehe.
Harhar, salamat sa lahat-lahat! Kasi nakapa-supportive mo sa akin. Salamat din sa lahat ng tulong mo sa akin lalo na kapag umaandar ang pagiging mahiyain ko. Sorry din sa lahat ng pang-aasar at pagkukulang ko sa 'yo, babawi na lang ako kapag mayaman na ko. Sana manlibre ka before graduation, wish talaga namin yung tatlo. Haha.
Wish ko for you sana maging masaya ka lagi. Kanya-kanya lang naman yan, kung kay Mike ka talaga masaya then go! Love and live happily. 'Wag mo lang kakalimutan na mas boto pa din ako na magkaroon ka ng magandang trabaho at buhay after grad. Ang gaganda ng mga pangarap mo at seryoso, ikaw sa ating apat ang may chance na maging successful. Kasi talented ka...oo talentado ka Harhar kaya please, wag mong sayangin. Sipag at tiyaga lang naman yan keriboom na! Haha. Nanay? Hahaha.
Salamat Harhar, never siguro kitang makakalimutan dahil maaalala kita tuwing Sale sa SM at maaalala ko ang O.A. mong reactions. Haha. Kita kits pa din tayo, magpakita ka pa din sa amin after grad ha? Love Ya! :)))
Nung una kong makita si AK, feeling ko nakakatuwa na talaga siyang kasama, lakad pa lang! Haha. Hindi seryoso sige, kasi kapag nagkwento siya, puno talaga ng emosyon at parang lahat ng sasabihin niya, interesting talaga (kahit madalas hindi, haha.) Least expected ko na magiging kaibigan ko siya kasi hindi naman ako fashionista, hindi ako pala-shopping, hindi ako mahilig sa American shows at hindi ako nagugutom every hour. Hahaha. Pero naisip ko, okay na din, I mean okay talaga na kaming 4 na din yung nagkasama-sama kasi at some point, magka-vibes talaga kami! Si Jayjay ang una naming similarities pero di nagtagal, pareho na din namin siyang di napapansin. Haha.
Ang daming bagay na nakakatuwa kay AK. Gusto ko kapag naiinis siya kasi todo inis talaga. Kapag kinikilig siya, mas todo, bigay na bigay! at kapag gutom siya kasi gagawin niya talaga ang lahat para makakain. Haha. Okay lang kasi sexy naman siya, inside. Haha. Gusto ko din kapag nagjo-joke siya kasi napaka-korni, nakakawa at kapag nag-joke ka naman sa kanya, kala niya totoo lahat kaya mas nakakatawa. Gusto ko din si AK kasi nakapatotoo niyang tao. Sinasabi at ginagawa ang mga gusto niya pero may takot pa din sa Diyos at sa iisipin ng iba sa kanya. Gusto ko din ang pagiging plastic (?other word please?)namin sa mga 'feelingera'.
Honestly, bilib din ako kay AK kasi lagi niyang sinasabing hindi niya kaya pero ang totoo, kaya naman niya. Kaya niyang magsulat, magaling siyang News Editor in all fairness. Kaya din niyang makakuha ng mataas na grades, nauuna lang kasi ang takot at cramming 'the AK way'. Haha.
Si AK yung tipo ng taong kaiinggitan mo: mayaman, mabait, sweet, family-oriented, God-fearing, jolly (naalala mo to? haha) at masarap kasama. SALAMAT AK sa lahat-lahat, sa totoo lang, ang dami kong natutunan sa yo, promise! Kung anik-anik na mga bagay na hindi mo matututunan sa school o mababasa sa libro. SALAMAT! Sorry din kasi lagi kitang inaasar, ayaw lang namin sayong aminin ni Cam na maganda ka kasi baka lumaki ang ulo mo, tama na yung tiyan na lang. Hahahaha. peace! Good luck sa inyo ni Amboi. Walang kalimutan ha? Kita kits pa din tayo lagi. ;)))
Hindi ko alam kung bakit pero ang dami-dami naming similarities ni Cam nung una pa lang, sa dami nga, nakalimutan ko na. Haha. Basta alam ko, siya na ata ang pinaka-nakasama ko sa apat na taong pamamalagi ko sa BSU. Agua Bendita daw kami pero di ako naniniwala dun, hindi kami kambal. Hindi ako papayag! Haha. Joke. Kasi hindi naman kami pareho talaga sa lahat ng bagay. Nega ako pero mas nega siya, magaling siya sa Math, ako medyo lang haha, magaling siyang leader ako member lang, manipis ang buhok niya ako makapal. Hahaha. At saka naniniwala akong independent kami, hindi kami dependent sa isa't isa. Siguro, interdependent lang talaga kami sa isa't isa. Gulo?
Sa totoo lang, idol ko tong batang to, lagi niyang sinasabing mas magaling ako pero kung titingnan mo, hindi naman. Mas marami lang siguro kong time para magsipag dahil single naman ako. Haha. Yun lang yun pero siya kasi, iba din magtrabaho, rush at magulo pero may laman, may sense. Naks!
Saka lagi niyang sinasabing malas siya dahil sa sakit niya eh hindi naman. Wag ka lang papaapekto, wala namang magiging problema. Sundin mo lang si madir! Hehe. Saka wag ka lang magiging sobrang nega Cam, baka masayang yung galing mo kung hindi ka susubok ng ibang bagay. :) SERIOUS? Hahahaha.
Nung di mo ko pinili bilang member mo, nung una masakit talaga, aaminin ko. kasi parang, basta. Haha. Tapos naiwan pa ako, last akong pinili pero Cam, magpapasalamat na din ako kasi nalutang ka nung mga panahong yun. Salamat kasi naging chance natin yun para malayo naman sa isa't isa at magkaroon ng ibang kasama at kaibigan. Swerte naman tayo sa kinalabasan di ba? Napatunayan mong kaya mong maging leader at ako, naka-gain ng another set of friends sa mga loko-loko kong thesismates. Haha. SALAMAT!
Tapos na ang apat na taong pagsasama natin, hindi ko alam kung may extension pa pero SALAMAT na kasi ikaw yung naging best friend ko ngayong college. Aminin? hahaha. kahit madalas nagkakasawaan na tayo, salamat kasi sinamahan mo ko sa lahat-lahat! Sorry din sa mga kasalaman ko sa yo, hindi ko alam kung alin-alin dun basta sorry. Good luck sa inyo ni John ha? Ano yun ulit? Hahaha.
and sincerely, GOOD LUCK! alam kong you'll go bigtime after graduation. Maniwala ka lang. walang makakalimot! See ya!
kayo na nga 'yan! :D
TumugonBurahinhahahaha naging LEATHERS ang tawag sa inyo dahil (nga ba) sa akin (?) hahahaha.
FLASHBACK: di ba, da, naging leader kita dati? Meycauayan Group sa SocSci!!! ta's ayun tinawag kitang leather. tapos ina-address na ung grupo niyo tuloy bilang leathers. hahaha. in short, kasalanan mo 'to! hahaha