Isa sa mga patok na social issues of all time ang unemployment. Maraming Pinoy ang walang trabaho— ang iba naghahanap, ang iba nagpapahanap pa at ang iba naghahanap sa wala kasi tinatamad.
Pero hindi iyan ang point ko. Marami kasing nagsasabing MARAMI NAMANG TRABAHONG PWEDENG PASUKAN, MAPILI LANG TALAGA ANG MGA PINOY...kaya hanggang ngayon marami pa rin ang tambay at taong-bahay.
Totoong maraming trabahong available. Kagagaling ko lang sa isang job fair nung isang araw. Ang daming kompanya, may bente (20) siguro yun. Kanya-kanyang gimik para makakuha ng applicants— may mga freebies, mass hiring ads, one-day process promos at walang kupas na PR at sales talk. Naisip ko, okay naman ang mga job offers nila pero bakit hindi masyadong kinakagat ng mga applicants? Nagmistulang garage sale sa World Trade Center ang eksena sa job fair na yun. Ang mga employers ang namimilit (hello, trabaho at pera ang inaalok nila) at ang mga applicants pa ang umiiwas (ano ba talaga ang hinahanap niyo?). Baligtad na talaga ang mundo, parang Blizzard lang sa Dairy Queen.
Bakit ba kasi choosy ka pa?
Marami sa atin ang nag-aral sa college para magkaroon ng degree at magandang trabaho (sa field na gusto natin) balang araw. Dalawa, apat o higit pang mga taon ang ating binuno para maka-graduate ng walang singko, drop o back subjects. Ang iba nga, consistent dean’s lister pa o active sa iba-ibang organizations. Subsob na sa pag-aaral at wala na halos social life (example: ako?). Pumili rin tayo ng kanya-kanya nating course at major para makapag-focus tayo sa field na gusto nating pasukin after graduation. Literal na nasunog ang kilay sa hirap pero tiniis natin yun, makatapos lang, makahanap lang ng magandang trabaho balang araw.
Kaya after graduation, namimili tayo ng trabaho ayon na rin sa course na pinagtapusan at sa sariling kagustuhan. TAMA LANG NAMAN YUN.
Pressure.
Kakatapos lang ng graduation ko nung April 4. Mass Communication major in Broadcasting ang course ko. Pinalad akong makakuha ng karangalan at makapagsalita sa stage. Marami ang humanga at abot-abot ang congratulations na natatanggap ko. Heaven ang pakiramdam ko noon. Pero kasunod pala lagi ng paghanga ang expectations (hindi lang ng ibang tao sa akin kundi KO sa sarili KO). “Naku pag-aagawan ka na niyan ng mga kompanya at networks!” Talaga po? Sabik ako sa posibilidad na totoo yun.
Sinubukan kong mag-apply, inuna ko sa mga tv networks at habang hinihintay ko ang confirmation nila, sinubukan ko muna rin sa ibang ad agencies at publications. May mga nag-text naman at tumawag for exam at interview pero dahil maaga pa naman at sige, dahil choosy pa ako, nag-decide akong hintayin na lang muna ang response ng mga networks. Eto na. Yung isa, no response. Yung isa, kept for reference and wait until 6 months at yung isa: rejected. Not once. Ang sakit dahil ito pala ang hinintay ko.
Sasabihin ng iba, “okay lang yan, hindi mo pa lang talaga time, marami pang iba jan.” Tama naman sila at alam ko naman yun pero masakit pa rin in the end. May part pa rin na hindi ko matanggap. Bakit yung iba pasok, bakit ako hindi? Bakit ako nagpupuyat at naghihirap mag-apply pero hindi man lang makatikim ng exam o interview invitation? Hindi ko sinasabing hindi rin nagpupuyat at naghihirap ang iba. Kung pareho kaming naghihirap, bakit sila nagbubunga na?
Sasabihin ng iba, “okay lang yan, hindi mo pa lang talaga time, marami pang iba jan.” Tama naman sila at alam ko naman yun pero masakit pa rin in the end. May part pa rin na hindi ko matanggap. Bakit yung iba pasok, bakit ako hindi? Bakit ako nagpupuyat at naghihirap mag-apply pero hindi man lang makatikim ng exam o interview invitation? Hindi ko sinasabing hindi rin nagpupuyat at naghihirap ang iba. Kung pareho kaming naghihirap, bakit sila nagbubunga na?
(btw ang mood ko sa blog post na ito: selfish, defensive and frank) Paki-explain nga sa akin ang ibig sabihin ng ‘right place at the right time’, closed-minded ako ngayon. Haha. Ngayon lang.
PERO kahit ganun, HINDI KO MAGAWANG MAINIS SA IBA (dahil wala akong karapatan at sapat na dahilan) at HINDI KO RIN MAGAWANG SIRAAN at SUKUAN ang mga tumanggi o hindi PA pumapansin sa akin dahil alam ko sa sarili kong MATAAS PA RIN ANG RESPETO KO SA KANILA. Pangarap ko pa ring magtrabaho para sa kanila kahit ilang rejections o kahit gaano katagal pa man akong maghintay.
Totoo ba?
Sabi nila, advantage daw ang may title sa graduation. Ikaw ang lalapitan ng trabaho at pwedeng big time na agad. Applicable pa ba yun these days? Siguro pwedeng magkatotoo yun pero wala pa ko sa level na yun. Nasa ‘doubtful’ level pa lang ako, “may edge ba talaga ako?” Siguro NAGSASAWA na rin yung mga nagpapayo sa akin na darating din yan, Dianne, in your right time. OA kasi ako at nahihirapan din akong balansehin ang nararamdaman ko ngayon sa dapat ko talagang maramdaman. Mababaw lang ang problema ko kumpara sa world crisis at environmental issues ngayon pero PROBLEMA PA RIN ito.
CHOOSY.
Balik tayo sa usapang choosy. Likas na sa atin ang maging choosy sa trabaho pero wala akong nakikitang mali doon so far.
Define ‘choosy’ muna — adj.; selective, hard to please, demanding
- In this article, these are the people who want to work in their chosen field to use their developed abilities.
Marami ngayon, nursing graduates pero sales agents o HRM graduates pero call center agents. Connected ‘di ba? Dalawang bagay lang yan: choice nila yun o wala na silang choice kasi dito sila kikita. In the end, CHOICE PA RIN NILA YUN.
Pero ako, sa tuwing maalala ko lahat ng pinaghirapan at pangarap ko noong college, mas okay na maging choosy ako kasi bakit ka pa kumuha ng majors kung ang papasukan mo pala ay trabahong may ‘any degree’ requirement? Bakit ka pa nag-aral ng production design at technical writing kung magiging cashier ka naman pala? Bakit ka pa nag-aral kung hindi mo naman pala gagamitin balang araw?
Pero ako, sa tuwing maalala ko lahat ng pinaghirapan at pangarap ko noong college, mas okay na maging choosy ako kasi bakit ka pa kumuha ng majors kung ang papasukan mo pala ay trabahong may ‘any degree’ requirement? Bakit ka pa nag-aral ng production design at technical writing kung magiging cashier ka naman pala? Bakit ka pa nag-aral kung hindi mo naman pala gagamitin balang araw?
Perspective ito ng isang fresh graduate kaya kulang pa sa maturity ang arguments. Marami pang dapat isaalang-alang. Sa hirap ng buhay ngayon, hindi na issue kung connected ba sa course mo ang trabaho mo o hindi pero hangga’t maaari, SUBUKAN NATING I-CONNECT.
Magulong usapan ang issue ng unemployment at paghahanap ng trabaho dahil depende sa tao kung ano ba talaga ang hanap niya: pera, passion o kahit ano lang?
Sana lang maging choosy tayo sa pagpili ng trabaho pero sana alam din natin kung hanggang saan lang tayo at kung may krapatan pa ba tayong maging choosy.
Sana lang maging choosy tayo sa pagpili ng trabaho pero sana alam din natin kung hanggang saan lang tayo at kung may krapatan pa ba tayong maging choosy.
Sana tumunog na ang cell phone ko at mapansin na ang applications ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento