Biyernes, Hulyo 1, 2011

One important lesson in Math that we can apply in our daily lives: Always be careful with the SIGNS!

Gusto ko ng (zodiac) signs…Noon.
Habang tumutugtog ang Again ni Bruno Mars…I’ll do it all over again. 

Signs? Hindi yan totoo.

Many people rely on signs for these are very useful. Imagine our streets without signs; we can never arrive in our destinations. Imagine our illnesses without signs and symptoms, we can never figure out how to cure those. So I guess, signs are very important and these are TRUE.


One of my friends said that daydreams signify the things to happen in the coming days. Not for real because I do that a lot. Whenever I have a crush especially in high school, I daydream of him being with me. I’d created a lot of stories in my daydreams. My crush being my best bud, my mortal enemy, my dance partner, our neighbor or the typical “crush ng bayan”. It’s fun because I can be with them and that it takes away dull moments in the trike on my way home and in waiting for our next teacher to arrive.

What’s not that interesting in daydreaming is that we are awake while dreaming— we are aware that these things will never happen unlike in dreams that those things are for real until we wake up. Until now, my crushes end when I daydream of them because that’s the farthest I could go with them in reality. So daydreams as signs? Not true.

May isa pang ‘sign’ tayong kinababaliwan, ang ZODIAC SIGNS. May kanya-kanya tayong zodiac signs ayon sa Astrology. Scorpio ang akin na naiba na daw ata dahil sa bagong set ng zodiac signs. Wapakels dahil hindi naman na ako dependent sa mga signs na yan. There’s no scientific o religious basis kaya hindi na ako naniniwala.

Pero nung high school gusto ko ang zodiac signs kasi parang hindi ka talaga nila iiwang malungkot gaya ng pinapangako nila sa tabloids. ‘Magiging maswerte ka ngayong araw.’ ‘Time is gold kaya sulitin mo ang iyong maghapon.’ ‘Makikita mo na ang matagal mo nang hinahanap.’

Masaya ding kasama ang zodiac signs nung high school. Binibigyan ka nila ng works of art at fashion statements dahil sa mga lucky colors at hihiluhin ka kakahanap at kaka-compute ng lucky numbers mo. Nakakaaliw!

Parang may magic din ang zodiac signs nung high school. Habang binabasa mo ito, parang sakto at tugma ang mga scenarios sa ‘yo, parang malapit lagi sa ‘yo ang zodiac signs kaya mas masaya.

Pero dumating din ang panahong hindi na ako bilib sa zodiac signs. Nagising ako nung malamig na ang simoy ng hangin— hindi totoo ang mga pinagsasabi ng zodiac signs na yan. Hindi ito loyal kasi hindi lang naman ikaw ang ginagabayan ng mga hula nito. Hindi ito ‘cool’ kasama dahil pinapaasa ka lang sa mga sinasabi nito at wala itong magic dahil hindi naman talaga ikaw ang bida dito. Ginagamit ka lang nito, inuuto o baka nga pinaglalaruan pa.
Para lang ding panaginip ang zodiac signs. Kapag nagising ka na, wala na. Nagising na nga ako nung college ata yun at natutong mamuhay ng totoo at hindi nakadepende sa anumang signs.

Pero ang ‘zodiac sign experience’ ko nung high school, hindi ko makakalimutan. Baka nga ako pa ang nakalimutan. Wala naman akong pinagsisisihan, trip ko lang balikan ang mga kalokohan at kagagahan ko nung high school/teenage days ko. Pero after 5 years, sign na siguro ito para makalimot. This is it!


Hopefully signing off (to that experience),
Dada.